Tuesday, November 16, 2010

OLDER POEMS

Mary Anne
March 12th, 2009

Bitin na naman sayo
Pahapyaw na naman akong lalapit
Dagling tatahan sa paghikbi
Tuwing ika’y may sinasambit…

— Kapag tungkol sa kanya,
Ayoko ng marinig
Animo’y ako’y nakangiti at nakikinig
Pero itigil mo na, tumahan ka
Lunurin mo na lang ako sa ibang kanta

Hindi makahinga
Palubog na naman ang aking damdamin
Biglang titigil sa pag- sigaw
Sa t’wing nag-iingay ang aking isipan—

— Ng tungkol sa kanya
At tungkol sa inyong dalawa
Animo’y ako’y nakangiti at nakikinig
Pero itigil mo na, tumahan ka
Lunurin mo na lang ako sa ibang saya.

Wag lang nating pag-usapan si Mary Anne.



Break Me Again
written last February 09, 2009


If despair will make me desperate for You,

let me feel it.



If starvation will make me crave for You more,

Let me go hungry.



If blurred vision will regain my sight on You,

Blind me with your light.



Numb me.

Starve me.

Blind me.



Break me and shape me up again.



Lead me.

Guide me.

Command me.



I want to be with You ‘til the end.



Strike me.

Bend me.

Stretch me.



Let Your limitless ways be my inspiration.



Draw me.

Love me.

Trust me.



Let me be Your servant.

Break me again and again.

Monday, November 15, 2010

oda ni lyn

kung susumahin ko lahat ng mga pinagdaanan ko,
hindi ko masasabing ngkulang ka o nasalat ako ng kung
ano...


pagkat ginawa mo ang makakaya mo at hinigitan mo pa ang sana'y
kayang gawin ng dal'wa
isa kang matatawag na huwaran hindi lang bilang ina ---
hindi lang bilang babae
kundi bilang nilalalang na may pagmamahal at
pang- unawa.


lahat ng ating sinakyan na mga malungkot na pagkakataon,
ginawa mong magaan ang byaheng kala ko'y walang patutunguhan.
ang aking ginhawa ay ang magising araw- araw na kapiling ka
at aking pinasasalamatan si Bathala.


laman ka ng aking mga pangarap,
isa ka sa humubog ng aking magagandang panaginip...
huwaran ka ng aking pagiging babae at hangad
kong manahin lamang kahit kaunting
katatagan mo bilang tao.


Lyn ka man sa iba, anghel ka sa buhay ko.
Tinapon ka man ng isa, katumbas nito'y tatlo
mong supling na nagmamahal sa'yo.


pinaluha ka man ng maraming beses, batid namin na mapaligaya
ka sa mga darating na panahon--- dahil ikaw si LYn..
ang babaeng nagluwal ng tatlong matatag na taong
hinubog ng Diyos, ng panahon at ng iyong puso.