Sunday, July 18, 2010

still waiting

we cannot always live this way. at some point, we have to decide if we would still hit the matresses or to just live apart.

i was constantly waiting but i did remember that this should stop eventually...
or you could put a ring on it.

my consistency is wearing out and you are still not around. you know i love you and you know you have to decide.

Friday, July 16, 2010

SUNDO

SA PAGHIHINTAY SAYO, NATUTUNAN KONG MAKALIMUTAN KA... PAUNTI-UNTI, PAISA-ISANG ARAW.

SA PAGHIHINTAY SAYO, NATUTUNAN KONG MAG-ISA MULI...AT MALAMAN NA MAAYOS ANG BUHAY KAHIT DI MO PUNAN...

SA PAGHIHINTAY SAYO, NAALALA KONG MAGPAHALAGA SA MGA BAGAY NA DATI KONG NAKALIGTAAN...

SA PAGHIHINTAY SAYO, NAKALIMUTAN KONG AKO'Y MAY INAASAHAN PALA MULA SAYO...AT PAUNTI- UNTI KO NA RING NAKAKALIGTAAN ANG IYONG MUKHA...ANG MUKHA NA DATI KONG HINAHANAP KAHIT SA KING PAGHIMLAY SA GABI.

SA PAGHIHINTAY SAYO, NAUNAWAAN KONG ANG PAGHIHINTAY AY TULAD RIN NG ANUMANG PAGKAKATAON PARA MAKILALA MULI ANG SARILI... NA ANG PAGHIHINTAY PALA AY DI LAMANG PAG-ASAM, KUNDI ISANG PAG-ASA NA SA DARATING NA PANAHON, NAWAWALA RIN ANG PAKIRAMDAM NG PAGKABALISA NG PAGKAWALA.

KAYA,

DI NA AKO NAGHIHINTAY.

KUNG DARATING KA MAN, BUKSAN MO NA LANG ANG PINTO.

ako+ikaw=saya

masaya ako kapag napapaligaya kita/ kahit sa mga simple mong biro na minsa'y wala namang latoy/ para lumigaya ka, pipilitin kong tumawa// wag mong isiping hindi ako totoo sayo/ sapagkat ang pagpupumilit ko ay totong-totoo/ /

gusto ko masaya ka/ kasi hindi ok ang tayo kapag ang isa ay balisa/ kung matamlay man ako pipilitin kong iunat ang nalulumbay kong mga mata// sapilitan ba?/ wag kang mag-alala/ gagawin ko dahil ikaw ay di na iba//


gusto ko lahat ay pawang saya/ narito ka man o nasa kalayuan/ para sayo wala akong pakialam kung anuman ang magiging kawalan/ kasama ka lang puno na ang lahat/kasama ka lang buhay ko ay malaman/ kasama ka lang masaya na ang aking pakiramdam//