Friday, July 16, 2010

SUNDO

SA PAGHIHINTAY SAYO, NATUTUNAN KONG MAKALIMUTAN KA... PAUNTI-UNTI, PAISA-ISANG ARAW.

SA PAGHIHINTAY SAYO, NATUTUNAN KONG MAG-ISA MULI...AT MALAMAN NA MAAYOS ANG BUHAY KAHIT DI MO PUNAN...

SA PAGHIHINTAY SAYO, NAALALA KONG MAGPAHALAGA SA MGA BAGAY NA DATI KONG NAKALIGTAAN...

SA PAGHIHINTAY SAYO, NAKALIMUTAN KONG AKO'Y MAY INAASAHAN PALA MULA SAYO...AT PAUNTI- UNTI KO NA RING NAKAKALIGTAAN ANG IYONG MUKHA...ANG MUKHA NA DATI KONG HINAHANAP KAHIT SA KING PAGHIMLAY SA GABI.

SA PAGHIHINTAY SAYO, NAUNAWAAN KONG ANG PAGHIHINTAY AY TULAD RIN NG ANUMANG PAGKAKATAON PARA MAKILALA MULI ANG SARILI... NA ANG PAGHIHINTAY PALA AY DI LAMANG PAG-ASAM, KUNDI ISANG PAG-ASA NA SA DARATING NA PANAHON, NAWAWALA RIN ANG PAKIRAMDAM NG PAGKABALISA NG PAGKAWALA.

KAYA,

DI NA AKO NAGHIHINTAY.

KUNG DARATING KA MAN, BUKSAN MO NA LANG ANG PINTO.

No comments:

Post a Comment